Kay Sarap Maging Pilipino

Words & Music: Spark Florin

Kaysarap maging pilipino
Umaapaw ang awit ng puso
Kaysarap maging pilipino
Aling pag-ibig pa’ng hihigit sa
Pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa bayan

Pagpalain Mo Ang Aming Bayan

Words and Music:Spark Florin

Mayro’ng hikbi
Sa aming bayan
O diyos paglingap mo
Ang aming kailangan
Sa gapos ng kahirapan
O diyos, kami’y kahabagan
Hangad namin ay kalayaan